Bago tayo magsimula, linawin muna natin kung sino ang dapat mag-apply bilang TNVS.

Ayon sa LTFRB, lahat ng sasakyan na bumibiyahe sa PowerDrive ay kailangang kumuha ng CPC (Certificate of Public Convenience).

Sino ang dapat na mag-apply? driver ba? vehicle owner ba?

Ang TNVS  APPLICANT ay ang VEHICLE OWNER (whose name appears in the ORCR of the vehicle). Ibig sabihin nito, lahat ng detalye at requirements sa ibaba ay dapat nakapangalan sa vehicle owner.

Handa ka na ba? Ayusin na natin ang CPC na yan!

Read: TNVS Process Flowchart

TNVS Accreditation Process


  • STEP 1.  Get Appointment Date for Case No. from LTFRB Online Registration
  • STEP 2. Go to your Appointment Date and Submit Documents to get Case Number
  • STEP 3. Get your PA from LTFRB
  • STEP 3.1 Secure PA Extension (if PA is expired)
  • STEP 4. Attend CPC Hearing Date
  • STEP 4.1 Dismissed Cases
  • STEP 5. Get your CPC from LTFRB


    Updated as of Nov. 23, 2020. May be subject to change based on LTFRB instructions.


STEP 2. Go to your Appointment Date and Submit Documents to get Case Number

Lahat ng requirements at Application Form ay kailangan ilagay sa LONG ORANGE FOLDER

STEP 3. Get your PA from LTFRB

Matapos mag-file ng Application Form with Case Number sa LTFRB, kailangang bumalik sa LTFRB sa loob ng 30 working days para sa release ng PA. 

Dito mo din malaman ang iyong hearing schedule.

May mga requirements na kelangan ihanda at dalhin sa pagkuha ng iyong PA.

STEP 3.1. If your PA expired, secure PA Extension

Kung lumagpas ang 90 days at hindi ka nakakuha ng PA extension,mag-submit ng Motion for Extension sa LTFRB.

Download Motion for Extension of Provisional Authority here.

 

Kung dismissed na ang iyong case number, kelangan munang kumuha ng panibagong Notice of Hearing bago mag-request ng extension of PA.

QUARANTINE UPDATE: ONLINE PA RENEWAL

Habang nasa Community Quarantine ang Metro Manila, maaaring i-submit ang request for PA Renewal via email. Sundan lang ang step-by-step process sa link na ito: https://www.grab.com/ph/blog/how-to-renew-pa-via-online-filing/ 

STEP 4. Attend CPC Hearing Date

Kailangan maghanda ng TNVS Applicant ng Formal Offer of Evidence (download FOE here)  kung saan nakapaloob lahat ng requirements ng LTFRB bago ang scheduled CPC hearing.

STEP 4.1. Dismissed Cases

Kung ikaw ay nakakuha ng ‘Dismissal Order’ pagkatapos ng tatlong (3) failed hearing dates, kailangan mong mag-file ng Motion for Reconsideration upang makakuha ng panibagong Notice of Hearing:

Dalhin ang mga sumusunod sa pag-file ng iyong Motion for Reconsideration:

  1.   4 copies of Motion for Reconsideration (prepared by a lawyer)
  2.  Photocopy of Dismissal Order
  3.   Special Power of Attorney w/ 2 photocopy of government IDs (w/ 3 signature)

MAHALAGANG PAALALA:
Sa mga dismissed cases, maaari ka lamang mag-extend ng iyong PA pagkatapos makakuha ng panibagong Notice of Hearing.

STEP 5. Get your CPC from LTFRB

Congratulations, Ka-Powerdrive!

LTFRB Accredited ka na bilang isang TNVS.

 

Mahalagang Information tungkol sa CPC mo:

  • Simula 2018, ang CPC  ay valid at renewable every 2 years.
  • Pwedeng magamit ang iyong sasakyan sa TNVS for 7 years (from date of manufacture).